Trader butas ang ulo sa tandem

MANILA, Philippines - Tinarget ang ulo ng isang negosyante nang ito ay barilin ng mga suspek na nakamotorsiklo sa Caloocan City kamakalawa.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Wilfredo Junio, 33, ng Phase 4B, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga sakay ang isang Roxane Gabon upang magdeliber ng mga softdrinks sa mga kliyente at pagsapit sa may Phase 1, Bagong Silang ay dumikit sa kanila ang isang motorsiklo at pinagbabaril nang malapitan si Junio.

Mabilis na tumakas ang mga salarin makaraan ang pamamaril habang hindi naman ginalaw ang nakasaksing si Gabon. 

Hindi namukhaan ang mga suspek na nakasuot ng helmet at hindi rin naplakahan ang motorsiklong ginamit.

 

Show comments