Pinakulong ni Claudine, pinalaya ni Gretchen
MANILA, Philippines - Posible muling magbangayan ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto matapos na piyansahan ng huli ang daÂting personal assistant ng kapatid na kanyang ipinakulong sa kasong qualified theft.
Hindi lubos makapaniwala si Dessa Patilan na 10 buwang nakulong sa Marikina City Jail nang bayaran ni Gretchen ang P60,000 piyansa at tuluÂyang makalabas dakong ala-1:00 ng hapon.
Matatandaang 10 buwang nakulong si Patilan sa Marikina City Jail matapos siyang ireklamo ni Claudine, 34, ng kasong pagnanakaw sa
kanyang mga alahas at pera na nagkakahalaga umano ng P8.5 milyon.
Mariin namang itinatanggi ni Patilan ang akusasyon at sinampahan din ng
kontra-demanda ang daÂting amo dahil sa umano’y pagnanakaw ng kanyang perang naipon at gadget na umabot sa halos P13,500.
Inamin naman ni Atty. Alma Mallonga na ang kaso ni Patilan ay naipaabot sa kanilang tanggapan sa pamamagitan rin ni Gretchen na may hindi rin pagkakasunduan sa kapatid na si Claudine.
Nilinaw rin ng abogado na libre o pro bono lamang ang kanilang serbisyo kay Patilan.
Pansamantala munang tumutuloy sa isang orphanage sa Marikina City si Patilan.
- Latest