^

Police Metro

Pulis kulong ng 30 taon sa pagpatay ng binatilyo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlumpung taon na pagkabilanggo ang inihatol ng QC Court sa isang pulis-QC matapos mapatunayang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na binatilyo may 12 taon na ang nakalilipas.

Bukod sa hatol ay pinagbabayad din ni QC RTC Branch 102 Judge Ma. Lourdes Giron ang akusadong si SPO1 Geronimo Cestina na nooy nakatalaga sa station 4 ng QC Police district ng P50,000 bilang civil indemnity, P44,058 bilang  actual damages, P50,000 bilang  moral damages at P30,000 bilang  exemplary damages para sa mga naulila ng biktimang si Eduardo Riguer Jr. noong March 10, 2002.

Si Cestina ay positibong itinuro ng complainant  na si Gina Riguer, nanay ng biktima na siyang bumaril at pumatay sa kanyang anak.

Batay sa record noong March 10, 2002, sinabi ng saksi na isang Javie Gardon na matapos na siya ay nakawan ang kanyang bag ng hindi kilalang mga suspek, isang FX ang huminto sa tapat niya at pinasakay siya ni SPO1 Cestina  at nagsabing hahabulin nila ang mga kawatan.

 Habang nasa kahabaan ng Ilang-Ilang Street ay binangga ni SPO1 Cestina ang biktima na noon ay tumatawid, inakala nito na ito ang nagnakaw sa kanya kaya’t bumaba ito ng sasakyan at walang awa na binaril hanggang sa mapatay ang binatilyo na kanya  pang pinosasan at itinapon sa loob ng sasakyan.

CESTINA

EDUARDO RIGUER JR.

GERONIMO CESTINA

GINA RIGUER

ILANG-ILANG STREET

JAVIE GARDON

JUDGE MA

LOURDES GIRON

SI CESTINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with