Convoy ni VP Binay nahulog sa bangin

MANILA, Philippines - Nasugatan ang tatlong security staff at isang photographer ni Vice President Jejomar Binay makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang SUV na kabilang sa convoy ng sasakyan ng opisyal sa matarik na bahagi sa highway ng Banaue, Ifugao kahapon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Sgt. Danilo Tamo; Sgt. Alexander Sicat; Corporal Ale­xander Solis, pawang mga security staff at ang photographer na si Ramon Campita na grabe ang tinamong pinsala.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga ay kasalukuyang bumabagtas sa nasabing highway Brgy.Mahhung, Banaue ang convoy ni Vice President Binay  nang mahulog ito sa 15 metrong bangin ang Toyota Fortuner na sinasakyan ng mga security marshal.

Hindi naman nasaktan ang Bise Presidente sa nasabing insidente dahilan sa iba ang behikulong sinasakyan nito.

Show comments