MANILA, Philippines - Dahil sa nakaambang taggutom matapos na mawalan ng trabaho nang ipasara ang kanilang kumpanya ay nagpapasaklolo na sa gobyerno ang mga katutubong Tagbanua.
Ayon kay Rodolfo Garcia, tagapagsalita ng mga katutubo mula sa Brgy. Bulalacao Coron, Palawan ay “kurot†na isang uri ng rootcrop na lang ang kinakain ng mga katutubo na kapag mali pa ang paghuhukay mula sa ilalim ng lupa ay maaari pa silang malason.
Sinabi ni Brgy. Bulalacao Chairman Ben Flores na kapag tumagal pa ang kawalan nila ng trabaho dahil sa pagsasarado ng Hikari. Inc. ay tiyak na magkakaroon ng kaguluhan dahil bawat isa dito ay “magkakagatan†dahil sa gutom.
Ang Hikari Inc.,ay isang pagawaan ng mga perlas kung saan dito nagtatrabaho ang mga katutubong Tagbanua, subalit ipinasara ito ng National Commission for Indigenous People (NCIP) sa loob ng 20 araw dahil sa umanoy pag-angkin ng ilang katutubo sa lupang kinatitirikan ng demo farm ng kumpanya.
Kaya’t nanawagan ang grupo sa pamahalaan na habang sarado pa ang Hikari ay bigyan muna sila ng mapagkakakitaan dahil hindi sapat ang kanilang kinikita sa pag-ani ng mga seaweed habang hirap din silang mangisda dahil sa lakas ng alon.
Hinaing din ng grupo sa NCIP simula ng dumating ang mga ito sa kanilang lugar noong 2007 ay walang malinaw na programa para sa kanilang mga katutubo.