Gunman ng Zambo judge nadakip

MANILA, Philippines - Nadakip kamakalawa sa isang follow-up operation sa Sunrise Drive ang isang lalaki na umano ay siyang bumaril at nakapatay sa isang judge ng Zamboanga City kamakailan.

Ang suspek ay kinilalang si Mohamad Alkhalidzz  Paradji Amisali.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang masakote si Amisali sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pulisya na si Amisali ang itinuro ng tatlong testigo na bumaril at nakapatay sa biktimang si Judge Renerio Estacio, Presiding Judge ng Branch 14, Regional Trial Court (RTC) sa lungsod sa kahabaan ng Narra Drive, Brgy. Tugbunga, Zamboanga City.

Patuloy na isinasailalim sa interogasyon ng pulisya ang suspek upang malaman ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

Show comments