Ambush: Kagawad patay, kapitan grabe

MANILA, Philippines - Niratrat ng “riding-in-trio” ang isang multicab na kinalululanan ng dalawang opisyales ng barangay sa naganap na ambush kamakalawa sa Toledo City, Cebu.

Idineklarang dead-on-arrival sa Toledo City District Hospital ang biktimang si Brgy. Kagawad Irene Wamelda habang grabeng nasugatan si Brgy. Chairman Alexander Alquiza.

Batay sa ulat ng Toledo City Police, dakong alas-4:30 ng hapon ay minamaneho ni Alquiza ang multicab at sakay si Wamelda nang sila ay pagbabarilin ng tatlong kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo pagdating sa hangganan ng Brgy. Carmen at Dumlog.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments