MANILA, Philippines - Kabuuang P9 milyon ang inilaan ng gobyerno para sa overnight stay ni Pangulong Benigno Aquino III sa state visit nito sa Malaysia.
Nasa Kuala Lumpur, Malaysia na ngayon ang 57-man delegation ni Pangulong Aquino para sa 2-araw na state visit nito sa imbitasyon nina Malaysian King at Prime Minister Najib Razak.
Kasama ni PNoy sina DFA Sec. Albert del Rosario, Finance Sec. Cesar Purisima, Cabinet Sec. Rene Almendras, Peace Adviser Teresita Deles, PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., PMS chief Julia Abad, Mindanao Development Authority chairperson LualÂhati Antonino.
Umalis kahapon ng tanghali ang delegasyon ni PNoy lulan ng chartered flight ng PAL sa NAIA terminal 2.