MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang sarhento ng Philippine Army matapos na mapisak ng 10-wheeler truck na sumalpok sa kanyang motorsiklo kamakalawa sa kahabaan ng national highway ng Brgy Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Staff Sgt. Sotero Pueblas Angcap Jr., 44-anyos, nakatalaga sa Signal Batallion ng 1st Infantry Division (ID) na nakabase sa Brgy. Pulacan, Labangan, ZamÂboanga del Sur.
Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay asul na Honda XRM 110 (JI 1302 ) nang mabangga ito ng kasalubong na 10 wheeler tanker truck (YHC-459) na minamaneho naman ni Freddie Sumagang, 43-anyos sa kahabaan ng nasabing highway.
Sa lakas nang pagkaÂkabangga ay pumailalim pa sa likod ng tanker ang nasabing sundalo na nakaladkad ng ilang metro na siya nitong dagÂliang ikinamatay.