^

Police Metro

Mag-asawa kinatay, bahay sinunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinatay muna ng dala­wang helper ang mag-asawang amo bago sinunog ang bahay ng mga ito na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Domingo, San Vicente, Camarines Norte.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Romeo, 59 at misis nitong si Raquel Liwag, 57.

Ang mga suspek na pinaghahanap ng mga otoridad ang ay  kinila­lang sina Romnick Iglesia, 25 anyos  at Jonel Dasig, 24; pawang stay-in helper ng mag-asawa na nakitang tumatakas ilang minuto matapos  madiskubre ang krimen.

Batay sa ulat, ganap na alas-6:56 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Malaki ang hinala ng pulisya na pagnanakaw ang dahilan ng pagpatay sa mag-asawa ng dalawa nilang helper matapos malaman na kumita ng P40,000 ang mga ito sa kanilang manukan.

Ang bangkay ni Romeo ay natagpuang tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa labas ng bahay nila. Habang ang misis nito ay halos natusta nang matagpuan sa loob ng bahay na sinunog ng mga suspek..

 

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

DOMINGO

HABANG

JONEL DASIG

RAQUEL LIWAG

ROMNICK IGLESIA

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with