Mangingisda nasabugan ng dinamita

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang mangingisda habang kritikal ang isa matapos aksidenteng masabugan ng dinamita na inihagis ng kasamahang mangi­ngisda kahapon ng umaga sa karagatan ng Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Jonnel Antiquerra habang inilipat naman sa Philippine General Hospital sanhi ng grabeng kondisyon ang isa pang mangingisda na si Elmer Grate.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng umaga ay nagsasagawa ng pangingisda at pagsisid sa dagat ang dalawang biktima nang isa sa kanilang kasamahan ang agad na naghagis ng dinamita na hindi inalerto ang dalawang biktima na sumisisid kung kaya’t nasabugan ang mga ito.

 

Show comments