Hindi nakaiskor ng shabu... rider inutas ang angkas

Iniimbestigahan ng MPD-Homicide investigators ang bangkay ng isang lalaki na kinilalang si Fernando dela Cruz Jr., na umano ay drug pusher matapos na barilin ng kanyang kasama sa ilalim ng tulay ng Arlegui, Quiapo, Maynila kahapon ng madaling-araw.- Bening Batuigas-  

MANILA, Philippines - Sa sobrang inis matapos hindi makaiskor ng shabu ay tatlong beses na pinagbabaril ng isang rider ang kanyang angkas sa motorsiklo naganap kahapon ng madaling-araw sa Islamic Center,  Arlegui, Quiapo, Maynila.

Ang biktima na iniwan na lamang nakabulagta sa kalye ay nakilala sa pamamagitan ng ID na nakuha sa katawan nito na si Fernando dela Cruz Jr., residente ng no. 270 P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat, Pampanga.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa ilalim ng tulay ng  Arlegui., Quiapo, Maynila.

Sa salaysay ng isang parking boy, dumating sa nasabing lugar ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo at dito ay ibinaba ang biktima at inutusan ito na bumili ng shabu sa isang lugar sa Islamic Center.

Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ang biktima at sinabi sa suspek na walang nabili na tila ikinairita ng huli  hanggang sa barilin ito ng tatlong beses.

Show comments