Publiko magsakripisyo sa trapiko - Malacañang

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Malacañang sa publiko at mga negosyante na magsakripisyo at makiisa sa isinusulong na pag-unlad dulot na trapiko sa pagtatayo ng Skyway 3.

Sana anya ay ikunsidera din ng mga negos­yante ang pagpapatupad ng flexible time gayundin ang home arrangement para sa kanilang mga empleyado.

Ito ang naging pana­wagan ni PCOO Sec. Germinio Coloma Jr., upang makaiwas sa trapiko ang kanilang mga empleyado habang ginagawa ang Skyway 3.

Nakiusap ang Pa­lasyo sa mga negosyante na makiisa sa paghaha­nap ng solusyon upang hindi makadagdag sa problema sa trapiko habang ginagawa ang Skyway 3.

Show comments