Mag-asawa, apo pinaslang

MANILA, Philippines - Pinagpapalo ng tubo at pinagbubugbog ang apat na miyembro ng isang pamilya ng hindi pa kilalang mga suspek na ikinasawi ng tatlo habang nasa kritikal ang isa naganap kamakalawa sa Brgy.Switch Yakal, Lantawan, Basilan.

Ang mga nasawi ay mag-asawang Teresa,72 at Pablo Guerrero,74 at  apo nilang si Trixie Stanley habang nasa kritikal namang kalagayan ang isa nilang anak na hindi pinangalanan at isa pang miyembro na hindi pa masabi ng mga otoridad kung nakatakas o tina­ngay ng mga salarin.

Batay sa ulat, pasado alas-12:00 ng hapon nang madiskubre ang krimen ng kanilang anak na bumisita sa bahay.

Nadiskubre na na­wawala ang mamaha­ling kagamitan ng mag-asawa na pinaniniwalaang tina­ngay ng mga suspek.

Show comments