Iniwan ng nobya... binata nagbigti

MANILA, Philippines - Nagbigti ang isang 22-taong gulang na binata makaraang iwan ng kanyang nobya sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Juanito Ignas Jr., 22, tricycle driver na residente ng 3145 Interior 52  Pilar St., Tondo, Maynila.

Nadiskubre ang nakabigting bangkay ng biktima ng kanyang  inang si  Alejandra, 63.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang makita ang nakabigting katawan ng biktima nang maisipan ng ina niya na akyatin ang silid nito upang kunin ang mga  maruruming damit upang labhan.

Ayon kay aling Alejandra, mula ng iwan ng kanyang nobya ang kanyang anak ay naging malungkutin na ito at malalim ang iniisip.

Noong una ang nagpapakita pa umano ang lakas ng loob ang biktima ay sinabi ang kanyang plano na magnegosyo kaya ikinagulat nito ang ginawang pagpapakamatay.

 

Show comments