Labi ni Tado, naiuwi na sa Marikina

MANILA, Philippines - Naiuwi na sa Marikina City ang mga labi ng pamosong komedyante na si Tado o Arvin Jimenez, na kasamang nasawi sa pagkahulog ng isang Florida bus sa isang bangin sa Bontoc, Mt. Province kamakailan.

Pasado alas-3:00 ng madaling araw kahapon nang naiuwi  ang bangkay ng komedyante mula Bontoc, Mt. Province patungo sa Marikina.

Naging pribado ang unang sandali ng pagdating ng mga labi ni Jimenez habang ipinagluluksa ng kanyang mga kaibigan, kasama sa trabaho at  kakilala ang kanyang pagkamatay.

Magdaraos  din ng public viewing sa labi ni Tado sa Paket Santiago Funeral Homes Inc. sa Barangay San Roque sa Marikina ngunit isasapinal pa ito ng pamilya.

Batay sa nakapaskil na anunsyo, tatagal lamang ang public viewing hanggang Pebrero 11.

Inaasahan namang marami pang fans at mga kaibigan ng actor ang darating sa burol.

 

Show comments