^

Police Metro

Shootout: 3 drug pusher todas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinalaang drug pushers ang nasawi habang tatlong pulis ang nasugatan matapos maganap ang shootout nang pumalag ang mga una sa isisilbing search warrant  kamaka­lawa ng gabi sa Bernadette Village, Barangay Luna, Surigao City.

Ang tatlong suspek na napatay ay kinila­lang sina Jameel Mamao, isang alyas Mael at isang alyas  Bogs.

Isinugod sa ospital ang tatlong nasugatan pulis na sina SPO1 Ricky Caneda, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti; P/Insp. Alvin Caballes na may tama sa kanang hita at P/Insp. Paul Michael G. Neffe.

Batay sa ulat, isisilbi ng mga elemento ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 13, Surigao City Police Station, Surigao Norte Provincial Police Office, Surigao Norte PPSC ang search warrant sa bahay ni Mamao nang bigla na lamang silang pinaputukan ng mga suspek.

Kaya naman gumanti ng putok ang mga otoridad na nauwi sa shootout at dito ay napatay ang mga suspek habang nasugatan ang tatlong pulis.

Narekober sa crime scene ang dalawang pakete ng ice wrapper cello­phane na may shabu; 14 piraso ng transparent plastic sachets na may lamang shabu, P124,000.00 cash, isang notebook, dalawang aluminium foil strips, isang  roll ng  aluminium foil; isang maliit na timbangan, isang blue metal box na naglalaman ng mga plastic ng cellophane; isang kulay asul na malaking timbangan, isang  electronic sealer; isang plastic scoop, isang caliber 9mm KG9 na may silencer; isang caliber .45 pistol; dalawang magazine ng  KG9, isang  ma­gazine para sa  caliber .45 at mga  empty cartridges.

 

ALVIN CABALLES

BARANGAY LUNA

BERNADETTE VILLAGE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ISANG

JAMEEL MAMAO

PAUL MICHAEL G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with