P400-M produktong China nasabat
MANILA, Philippines - Isang bodega na nasa ika-anim na palapag ng isang gusali ang sinalakay ng mga otoridad at dito ay nakumÂpiska ang humigit kumulang na P400 milyon na pekeng mga produkto na pinaniniwalaang galing China naganap kahapon ng umaga sa Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Pasay City Police at Bureau of Customs na mahigit isang buwan na minanmanan.
Dito ay naabutan lang ang isang sekyu na nagbabantay sa bodega na pag-aari ng isang Chinese national na gumagamit ng iba’t ibang pangalan.


Ang mga kahon ng pekeng prudukto ay natagpuan mula sa ikalawa hanggang ikaanim na palapag ng bodega habang may maliit na opisina sa unang palapag ng gusali na puno ng mga closed circuit television (CCTV) camera.
Tanging ang naabutan ng mga otoridad sa natuÂrang bodega na pag-aari ng isang Chinese national na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guwardÂyang naka-duty dito.



Posible anya na galing sa China ang mga produkto dahil sa mga Chinese characters na nasa kahon nito at tanging ang naabutan ng mga otoridad sa naturang bodega na pag-aari ng isang Chinese national na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guwardyang naka-duty dito.


Nakatakdang imbitahan ang mga may-ari ng branded na produkto upang masaksihan ang pagwasak sa pekeng produkto upang hindi na maibenta sa merkado.
- Latest