MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang lalaki na angkas sa motorsiklo ang isang opisyales ng samahan ng mga tricycle sa kanilang terminal kamakaÂlawa ng gabi sa Quezon City.
Ang biktima na nasawi noon din ay kinilalang si Jimmy Bucanes, alyas CobÂra, 47, may-asawa, ng Lot 1, Block 2, MCP Home owÂners Association, Pingkian 1, Central, Pasong Tamo sa lungsod at auditor ng Luzon Tricycle Operators Drivers Association-QC chapter.
Isa sa dalawang suspek na natukoy ay kinilalang si alyas “Samsudinâ€.
Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay nasa terminal ang biktima na matatagpuan sa Luzon AveÂnue, Brgy. Old Balara nang ito ay lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.
Sa salaysay ni Nelson Billones, isa rin sa opisÂyales ng TODA nang makarinig siya ng mga putok sa terminal ay agad niya itong pinuntahan at nakita ang suspek na si Samsudin na binabaril ang biktima at pagkatapos ay binaril din siya nito, subalit hindi tinamaan.
Sinabi pa ni Billones na matagal na silang nakakatanggap ng death threat simula ng manalo sila bilang opisyales ng asosasyon at mahigpit na nagpapatupad ang biktima tulad ng bawal ang bumiyahe ng walang lisensiya.