^

Police Metro

Anak nabitin sa alak, pamilya pinagtataga

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga at pinag­sasaksak ng isang 32-anyos­ na anak ang kanyang ama, ina at kapatid matapos na mabitin ito sa alak kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang ama na si Valentino Minerales Sr., 62; habang nasugatan ang ina na si Pilar, 57 at anak na si Valentino Minerales Jr., 27, pawang mga taga -Bariles St.,  Barangay North Bay Boulevard South ng naturang  lungsod dahil sa mga tinamong taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Resty
Minerales, 32, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Minerales ay lasing na umuwi ang suspek para kumain ng hapunan.

Pagkatapos na kumain ay muli itong lalabas ng bahay para muling makipag-inuman na pinigilan naman ng kanyang nanay.

Nagalit ang suspek sa ina kaya’y nagkaroon ng sila ng pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim at itak ang suspek sabay saksak sa nanay.

Humingi ng tulong sa asawa at isa pang anak si Pilar at nang saklolohan ay ang tatay at kapatid naman ang pinagsasaksak at pinagtataga bago tulu­yang tumakas.

 

vuukle comment

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

BARILES ST.

BATAY

HUMINGI

NAGALIT

NAVOTAS CITY

TONDO MEDICAL CENTER

VALENTINO MINERALES JR.

VALENTINO MINERALES SR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with