Honda Civic vs Montero: 2 todas

MANILA, Philippines - Todas ang dalawa katao makaraang magbanggaan ang isang Honda Civic at Montero sa Tirona road, Brgy. Habay 1, Bacoor Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Jeffrey Dimalanta, 32, residente ng #1088 Brgy. Tabon 3, Kawit Cavite, driver ng Honda Civic na may plate number UMH 478 at Edwin Evangelista, nasa hustong gulang residente ng Brgy. Batong Dalig Kawit.

Sugatan naman sa nasabing aksidente sina Edwin Lontoc 36, Katrina Paulito 20, Princess Malapitan, 30 at ang driver ng Montero na si Ferdinand David 32.

Sa imbestigasyon ni PO3 Romar Sinnung,  may hawak ng kaso, dakong  alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang banggaan ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng salpukan  ay naipit sa loob ng Honda Civic ang dalawang nasawi habang nagtamo naman ng sugat at bukol sa katawan ang mga nasugatan.

 

Show comments