MANILA, Philippines - Epektibo sa Pebrero 5 ay suspindido na ang “visa free†na ibinibigay para sa mga bumibisitang Pinoy diplomats at officials sa Hong Kong.
Ang sanction na ito ng Hong Kong government ay tungkol sa hindi paghingi ng paumanhin ng pamahalaang Pilipinas sa naganap Manila hostage crisis noong 2010 na ikinasawi ng 7 HK nationals.
Sa pulong balitaan kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na hindi hihingi ng paumanhin ang pamahalaan dahil sa may “substantive closure†sa usapin sa hostage crisis, may tatlong taon ang nakalilipas sa pagitan ng pamahalaan at ng gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region.
Ang panibagong negosasyon ay binuksan ng Hong Kong government na humihingi ng pormal na “apo-logy†ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan ang Pilipinas, bilang isang sovereign nation ay hindi handang ikonsidera.