Pag-usad sa kaso ni Vhong bibilisan – DOJ
MANILA, Philippines - Inatasan ni Justice Sectary Leila De Lima si Pro-secutor General Claro Arellano na tiyakin ang mabilis na pag-usad ng kaso ni Vhong Navarro na isinampa laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa.
Kung sakali na makitaan ng probable cause ang mga reklamo tulad ng serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, illegal arrest at blackmail ay dapat umanong maisampa kaagad sa korte upang makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga respondent.
Bukod dito ay bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na hahawak sa patung-patong na reklamong kriminal na inihain ni Navarro laban sa grupo ni Cornejo.
Sa isang pahinang kautusan na pirmado ni Arellano, itinalaga nito bilang miyembro ng panel sina Assistant Prosecutor Olivia Torrevillas, Asst. Hazel Decena-Valdez at Asst. Marie Elvira Herrera.
Sa hiwalay na memorandum, inatasan ni Justice Sectary Leila de Lima si Arellano na tiyakin ang mabilis na pag-usad ng kaso.
Sakali umanong makitaan ng probable cause ang reklamo, dapat umanong maisampa kaagad sa korte ang kaso upang makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa mga respondent.
Inatasan din ni de Lima si Arellano na regular na magbigay ng update sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa estado ng kaso para matukoy ng kawanihan ang kaukulang aksyon na dapat nitong ipatupad sakaling magtangka ang mga respondent na umalis ng bansa.
- Latest