Hindi magsusukli ng tama parurusahan

MANILA, Philippines - May nakatakdang parusa ang mga taong nagbibigay ng kulang na sukli.

Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 3606 o Exact Change bill ni Las Pinas Rep. Mark Villar na nagsasaad  napagmumultahin ng P500 hanggang P25,000 piso ang sinuman na magbibigay ng kulang na sukli at masususpinde o matatanggalan pa ito ng business permit.

Dapat din anya na mag­paskil ang mga establisyemento ng karatula sa kanilang counter na nagsasabing “demand your exact change” o hingin ang iyong eksaktong sukli.
 Ang panukala ay pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at upang matapos na rin ang mapang abusong sistema ng mga establisyemento.

Show comments