Mag-live-in dedo sa ‘Sawako Gang’

MANILA, Philippines - Dedo ang mag-live-in partner makaraang pagbabarilin ng pitong miyembro ng ‘Sawako gang’ sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mag-live-in na sina Efren Villanueva, 40 at  Josephine Paraiso, 44,  kapwa residente ng #047 Mariano Ponce St., Barangay 135 sa lungsod.

Tinutugis naman ng mga pulis ang pitong suspek kabilang ang isang babae at ang isa rito ay nakilala lamang sa “alias Bonjhong” na miyembro ng ‘Sawako Gang’.

Ayon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong  alas-8:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-live-in sa naturang lugar.

Habang nagpapahinga  ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sakay sa tatlong motorsiklo.

Bumaba si  Bonjhong at  pinasok nito ang bahay ng mga biktima at nagsilbi namang look out ang anim na kasama nito at walang sabi-sabing pinutukan si Villa­nueva. Papaalis na sana ang mga suspek pero nagsisigaw si Paraiso kaya siya man ay binaril.

Matapos ang insidente ay  mabilis na tumakas ang mga suspek  sa hindi matukoy na dereksiyon sakay ng mga motorsiklong hindi nakuha ang mga plaka.

 

Show comments