^

Police Metro

2 pulis sugatan sa ‘Oplan Galugad’

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang dalawang miyembro ng  Quezon City Police District (QCPD) matapos pagbabarilin ng mga armadong grupo nang magsagawa sila ng “Oplan Galugad” sa isang liblib na lugar sa lungsod.

Ang mga nasugatang pulis ay sina  PO2 Randolf Olivar, 42 at PO1 Archie Evangelista, 25,  na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 2 na nakaratay sa Chinese Ge­neral Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Nadakip naman ang dalawa sa tatlong suspek na nakilalang sina Edwin Lopez, 37, at Parok Hussein, 35.

Sa ulat, dakong alas-11:57 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang QCPD sa kahabaan ng Alcoy malapit sa kanto ng Rivera St., Barangay Bagong Pagasa dahil sa dito umano nagtatago ang mga kriminal.

Habang naglalakad ang tropa nina PO2 Olivar at PO1 Evangelista sa kahabaan ng Alcoy ay napuna nila ang tatlong kalalakihan at nang lalapitan ay bigla na lamang nagpaputok at tinamaan ang dalawang pulis.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, subalit sa isang follow-up operations ay nasakote ang mga ito.

ALCOY

ARCHIE EVANGELISTA

BARANGAY BAGONG PAGASA

CHINESE GE

EDWIN LOPEZ

OPLAN GALUGAD

PAROK HUSSEIN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RANDOLF OLIVAR

RIVERA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with