Kagawad dedo sa nakamotor

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang pinagbabaril ng mga suspek na nakamotorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Carlito Clariza, 54, Kagawad ng Barangay 184, Zone 19 Maricaban ng naturang lunsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng gabi ay nakatayo at nanonood ng karera ng kabayo sa isang off track betting station sa kanto ng St. Peter at St. Francis Sts., nang pumarada sa tagiliran ng biktima ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Ilang sandali ay bumunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at malapitan na binaril ito sa ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Andrew Avenue.

Show comments