^

Police Metro

Tinadtad ng bala ang katawan… ginang utas sa selosong lover

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 61-anyos na biyuda nang ito ay pagbabarilin ng kanyang 50-anyos na live-in partner dahil sa selos matapos makarating ang balita na mayroon itong ibang lalaki kamakalawa sa Caloocan City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Julie Bobis, negosyante, ng Libis Baesa St.,  Barangay  160 ng nasabing lungsod.

Nasugatan naman ang isang Anna Castillano, 40, kapitbahay ng nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa paa.

Ang suspek na tumakas ay ang live-in partner ng biktima na  kinilalang si Jesus Aguirre, 50, ng Ruby Ville Subdivision,  Santa Quitaria ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mag-live-in tungkol sa nakakarating na balita sa suspek na may ibang nanliligaw sa biktima.

Pinabulaanan ng biktima ang akusasyon hanggang sa kumuha ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima na kung saan ang ibang bala ay tumama kay Castillano na kumakain sa isang karinderya na malapit sa pinangyarihan ng  insidente.

vuukle comment

ANNA CASTILLANO

BATAY

CALOOCAN CITY

CASTILLANO

JESUS AGUIRRE

JULIE BOBIS

LIBIS BAESA ST.

NASUGATAN

RUBY VILLE SUBDIVISION

SANTA QUITARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with