^

Police Metro

Bakla hinoldap, ginahasa pa ng ‘pulis’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinoldap muna bago ginahasa ang isang 25-anyos na bakla ng isang pulis kamakalawa sa Pasay City.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Sophie, dakong alas-10:30 ng gabi ay nakatayo siya sa kanto ng Edsa at Zamora St., habang hinihintay ang kasama sa trabaho nang sitahin siya ng suspek na si Danilo Ferrer, na nagpakilalang SPO3 Sto.Tomas ng Police Community Precinct 1.

Isinakay umano siya ng suspek sa isang taksi at sa halip na dalhin sa presinto ay sa garahe ng bahay nito sa Solitarya St., sila nagtungo.

Pinasakay siya ni Ferrer sa nakagaraheng van at sa pamamagitan ng pananakot, pinaghubo’t hubad siya at puwersahang pinagawa ng oral sex.

Nang makaraos, puwersahang tinangay ng suspek ang P300 na pera at relos na nagkakahalaga ng P7,000. 

Dito na siya isinakay ng suspek sa isang tricycle at dinala sa EDSA Rotunda dakong ala-1:00 ng Linggo ng madaling araw at saka iniwan.

Isinumbong naman ng biktima ang nangyari sa kapatid nitong pulis na nakatalaga sa Pasig City Police at natunton naman nina Insp. Cesar Teneros ng Intelligence Unit ng Pasay police ang bahay ni Ferrer na nagresulta sa pagkakadakip dito.

Kinasuhan  ng rape, robbery at usurpation of authority ang suspek.

 

vuukle comment

CESAR TENEROS

DANILO FERRER

DITO

EDSA

INTELLIGENCE UNIT

PASAY CITY

PASIG CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SOLITARYA ST.

ZAMORA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with