^

Police Metro

Trust rating ni P-Noy at Drilon bumaba

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumaba rin ang performance at trust ra­tings ni Senate President Franklin Drilon sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia na kapareho rin ni Pangulong Benigno Aquino III.

Mula sa dating 50 at 46 percent na performance at trust ratings naging 43 at 40 porsi­yento ang ratings ni Dri­lon sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-15.

Sa nasabing survey, ang performance at trust ratings ng Pangulo ay bahagyang bumaba rin sa kabila ng patuloy na rehabilitasyong isinagawa ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Mula sa dating 79 porsiyento, naging 74 ang trust ratings ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Drilon na ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng Kongreso noong 2013 ang nagdulot ng unti-unting pagguho ng tiwala ng taumbayan.

 

BUMABA

DISYEMBRE

DRI

DRILON

KONGRESO

MULA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with