^

Police Metro

Pulis-Maynila at Makati inireklamo ng pangongotong sa mga Arabo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpadala ng sulat ang Saudi Arabia Embassy sa pamunuan ng Manila Police District at Makati Police tungkol sa umano’y pangongotong ng  mga ito sa dalawang Arabo sa pamamagitan nang paghingi ng malaking pera para palayain sa mga kaso na imbento lang.

Sa sulat ng Saudi Arabia Embassy sa pamunuan ng MPD na  apat na pulis-Maynila ang umano’y sa isang turistang Arabo na kinasuhan ng rape ng isang Pinay na nangyari sa Malate, Maynila na nasasakupan ng MPD-Station 5 at Makati Police-Sub Station 6 sa Burgos St., na pawang nasasakupan ng dalawang presinto ay mga night spots.

Nabatid na kamakalawa ay nag-courtesy call kay Manila Mayor Joseph Estrada si Saudi Arabian Ambassador Abdullah Al Hass na lumiham na rin sa DFA upang matulungan ang dalawang niyang kababayan na sina Mustafa Abdullah Al-Shanquity at Fuad Abdullah Almohsin na biktima ng pangongotong ng mga nasabing pulis-Maynila at Makati.

Unang napaulat ang reklamong rape ng isang 28-anyos na dalaga laban kay Al-Shangity, na nanunuluyan sa Garden Suites Hotel, sa Mabini, Ermita, Maynila noong Enero 2 at dito naganap ang pangongotong ng apat pulis-Maynila.

 

ARABO

BURGOS ST.

FUAD ABDULLAH ALMOHSIN

GARDEN SUITES HOTEL

MAKATI POLICE

MAKATI POLICE-SUB STATION

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MUSTAFA ABDULLAH AL-SHANQUITY

SAUDI ARABIA EMBASSY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with