^

Police Metro

Sasakyan ng ex-gob sumalpok: Driver patay,7 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 7 katao na kinabibilangan ng dating gobernadora ng lalawigan ng Guimaras habang nasawi ang driver nang bumangga ang kanilang sasakyan sa isang SUV kamakalawa sa highway ng Sta. Barbara, Iloilo.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si da­ting Guimaras Gov. Emily Lopez at anim nitong kasama na sina dating Alimodian Vice Mayor Marilou Alipao; Cristina Concio, 53, ng Oton; Asuncion Rosal, 57, ng San Miguel; Marly Sinfuego, 37, ng Sta. Barbara; pawang ng Iloilo at Cecilia Vilchez, 65.

Habang ang nasawing driver nito ay kinila­lang si Mario Gayorgor, 55.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang mabangga ang kulay puting Hi Ace van na sinasakyan ni Lopez at ng lima pa nitong kasamahan sa kasalubong na Isuzu SUV trooper sa kahabaan ng Kahi­l­wayan Avenue sa Brgy. Bolong Oeste.

Nabatid na patungo sina Lopez sa Iloilo City airport galing sa  tanggapan ng Taos Puso Foundation Inc.sa bayan ng Sta. Barbara nang maganap ang banggaan pagsapit sa lugar. Sa inis­yal na imbestigasyon nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Isuzu SUV na si Jolly Libuna matapos na pumutok ang isa sa gulong ng sasakyan na tuluy-tuloy na sinalpok ang kasalubong na sasakyan nina Lopez.

vuukle comment

ALIMODIAN VICE MAYOR MARILOU ALIPAO

ASUNCION ROSAL

BOLONG OESTE

CECILIA VILCHEZ

CRISTINA CONCIO

EMILY LOPEZ

GUIMARAS GOV

HI ACE

LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with