MANILA, Philippines - Pisak ang isang motorcycle rider, makaraang magkabanggaan nito ang isang dump truck habang binabagtas ang kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PO1 LeoÂnardo Policarpio ng Quezon City Traffic Sector 4, ang biktima na si Renee Boy Aquino, 30, motorcycle dealer at residente sa #164 Bignay St., ProÂject 2, Quirino 2-C, sa lungsod.
Ayon kay Policarpio, nasa kustodiya na nila ang driver ng truck na si Joseph Caponpon, 40, may-asawa, ng Sitio Sabang, San Roque Angat, Bulacan at nakatakda nilang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide.
Sa ulat ng imbestigador, nangyari ang insidente sa Eastbound lane ng kahabaan ng Quezon AveÂnue, sa harap ng Hi-Top Supermarket, Barangay South Triangle, ganap na alas-11:30 ng gabi.
Minamaneho ni Aquino ang kanyang Yamaha Mio sporty motorcycle (5820-XZ), habang si Caponpon naman ay minamaneho ang isang Hyundai dump truck (UQQ-831) at kapwa binabagtas ang nasabing kalye, nang pagsapit sa eksaktong lugar ay nagkabanggaan ang mga ito.
Sa lakas ng banggaan, bumuwal pakaliwa sa kalsada ang motorsiklo dahilan para mahagip ng gulong ng trak ang biktima.
Ani Policarpio, nakasuot naman ng helmet ang biktima nang mangyari ang insidente, subalit hindi nito kinaya ang trak