^

Police Metro

Sinilip ang dulo, biglang pumutok… Sabog ang mukha sa ‘Boga’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na lalaki ang nasawi nang masabugan ang mukha nito ng improvised na “boga” na kanyang pinaputok noong Bagong Taon sa Brgy. Lamot 2, Calauan, Laguna.

Ang nasawi ay kinila-lang si Raymond Amante, residente ng Sitio Hardinan, Brgy. Lamot 2, Calauan ng lalawigan.

Sa ulat na tinanggap ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Pascual Muñoz, dakong alas-5:00 ng umaga nitong Enero 1 nang maisipan ng biktima at ng kapatid nitong lalaki na paputukin ang natitira pa nilang bombshell o mas kilala bilang “boga” na gawa sa PVC pipe.

Nang papaputukin ang boga ay hindi kaagad ito pumutok kaya sinilip ng biktima ang dulo nito nang eksakto namang sumabog na  sumapol sa kanyang mukha.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima, subalit nasawi rin dahilan sa grabeng sugat na tinamo sa pagsabog.

Magugunita na ang boga ay isa sa ipinagbabawal na paputok ng PNP at maging ng Department of Health (DOH) lubha itong mapanganib gamitin na bukod sa nakamamatay ay posible ring ikabulag o ikaputol ng kamay ng sinumang masasabugan nito.

vuukle comment

BAGONG TAON

BRGY

CALAUAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR P

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LAMOT

PASCUAL MU

RAYMOND AMANTE

SITIO HARDINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with