MANILA, Philippines - Muling ipinanawagan ng Department of Health (DOH) sa pagsisimula ng taon sa lahat ng local goÂvernment units (LGUs) ang pagpapatupad ng “community based fireworks display†habang tuluyan nang ipagbawal ang mga paputok sa panahon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon sa bansa.
Ginawa ng DOH ang panawagan kasunod ng mataas na bilang ng reÂvelry-related injuries kung saan hanggang kahapon ng umaga ay umabot sa 599 biktima na mas mataas ng 43 percent sa kahalintulad na panahon noong 2013.
Sinabi ni Health Usec. Janet Garin, noon paman ay ito na ang naging panawagan ng DOH sa layunin na maiwasan na ang mga biktima ng firecrackers.
Sa kabila ng mga pagtutol, pinanindigan ng DOH ang total ban sa mga firecrackers habang selective ban sa fireworks.
Bagamat paliwanag ni Garin, tinitimbang din ng DOH na hindi malulugi ang industriya ng paputok at hindi rin malagay sa peligro ang kaligtasan ng publiko.
Iginiit ng kagawaran na hindi sila nagkulang sa imformation drive laban sa mga paputok ngunit hindi aniya maiiwasan na magkaroon pa rin ng mga biktima dahil patuloy pa rin na naglipana sa merkado ang ibat ibang uri ng firecrackers, legal man o illegal.