MANILA, Philippines - Pinaseselyuhan din ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang boga ng mga security guard.
Sa direktiba ng PNP, inatasan nito ang mga operators, managers, at security officers ng mga accredited agencies na takpan ang bunganga ng baril ng kanilang mga security guards.
Ayon kay Police Chief Superintendent Tomas Rentoy III ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies, ang direktiba ay nakapaloob sa lahat ng police security agencies, police detective agencies, company guard, at government security unit sa lahat ng lugar.
Ito aniya, ay upang maiwasan ang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
Ang mga baril ng mga security guards ay kailaÂngang naka-takip simula sa Dec. 30, 2013 at hanggang Jan. 2, 2014.
Sinabi ni Rentoy, kailangang idokumento ng mga ahensya ang kanilang gagawing pagtatakip at isumite ang kanilang ulat sa Jan. 15, 2014.
Ang sinumang guwardiya at ahensya na mabigong sumunod sa direktiba ay may kakaharaping parusa.
Magugunita na naging malaking isyu noong 2012 ang pagkamatay ng isang pitong taong gulang na batang babae sa lungsod ng Caloocan na tinamaan ng lugaw na bala habang nanood ng mga nagpapaputok sa pagdiriwang ng bagong taon.
Nanawagan din ang PNP sa publiko na agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan o alinmang police station na malapit sa kanilang lugar ang sinumang makitang nagpapaputok ng baril.