MANILA, Philippines - Lumabag ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pinaiiral na tigil-putukan ng pamahalaan matapos na pagbabarilin ang isang sundalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.
Kinilala ang nasawing si Pfc Akmad Maruhom, na nagtamo ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa ulat bandang alas-6:30 ng gabi nang bigla na lamang paulanan ng bala ng nakaposisyong grupo ng mga rebelde ang Peace and Development Team ng Philippine Army na nakatalaga sa Brgy. Kalabugao, Impasugong, Bukidnon.
Nasapul ng tama ng bala si Maruhom habang napilitan namang umatras ang mga rebelde matapos na magdepensa ang tropa ng militar.
Kinondena naman ni Army’s 4th Infantry Division (ID) Chief Major Gen. Ricardo Visaya ang insidente dahilan umiiral ang tigil-putukan sa pagitan ng AFP troops at ng NPA rebels kaugnay ng paggunita sa kapaskuhan.
Magugunita na nagdeklara ng anim na araw na ceasefire mula DisÂyembre 24, 25, 26 at DisÂyembre 31 hanggang Enero ng susunod na taon na tinugon naman ng pamahalaan ng 26 araw na tigil putukan mula Disyembre 20 na tatagal hanggang Enero 15, 2014.