MANILA, Philippines - Isang 53-anyos na mister na akusado sa kasong rape ang nasawi nang ito ay kuyugin at pagtulungang bugbugin ng mga kapwa nito preso sa detention cell ng Provincial Jail na matatagpuan sa Brgy. San Jose, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Livirato Aragon, na akusado rin sa kasong pagpatay.
Batay sa ulat, bandang alas-11:34 ng umaga naganap ang krimen sa detention cell ng mga preso sa provincial jail nang kuyugin ng dalawang kasamahang inmate na sina Sadam Dumandos at Ronilo Floren ang biktima.
Sa tindi ng gulping inabot ay namatay noon din ang biktima.