Dating kagawad todas sa tandem

MANILA, Philippines - Apat na bala sa likod at isa sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang dating barangay kagawad nang pagbabarilin ito ng lalaki na angkas sa motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Alberto Socorro, 54, residente ng no. 529 Kundiman St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:45 ng hapon ay nililinis ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kaniyang bahay upang sunduin sa
trabaho ang misis.

Dito ay dumating ang isang motorsiklo at  huminto sa likod ng biktima at bumunot ng baril ang nakaangkas at sunod-sunod  na pinaputukan ang biktima.

Show comments