2 tanod, gunman todas

MANILA, Philippines - Nasawi noon din ang dalawang barangay tanod nang pagbabarilin ng isang wanted na kriminal na napatay din kamakalawa ng gabi sa Brgy. Laga-an, Calatrava, Neg­ros Occidental.

Ang mga nasawi ay kinilalang  sina Ludovico Losaria, 46 at Hilario Quezon, 43, kapwa barangay tanod sa Brgy.Dolis, Calatrava ng lalawigan.

Ang suspek na napatay din ng hindi pa kila­lang lalaki ay  kinilalang si Eleazar Espadilla, 31, wanted sa kasong murder.

Batay sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi ay nagalit na rumesbak umano si Espadilla kay Quezon matapos itong magsilbing guide sa mga pulis na tumutugis sa kanya at maghahatid sana ng warrant of arrest noong nakalipas na buwan kung saan nagawa nitong makatakas.

Natiyempuhan umano ni Espadilla si Quezon habang nakikipag-inuman kay Losaria na agad nitong pinukpok ng cal. 45 pistol sa ulo saka pinagbabaril.

Akmang tutulungan naman ni Losaria si Quezon kaya’t pinagbabaril din ito ni  Espadilla at nang tumakbo ito may bumaril dito kaya’t namatay din.

Show comments