PRA pinagpapaliwanag si Calixto sa kontrata sa Manila Bay Reclamation project
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Philippine Reclamation Authority (PRA) si Pasay City Mayor Antonino Calixto ukol sa proseso ng pagpabor nila sa Manila bay contract.
Sa liham na may petsang Disyembre 10 at pirmado ni PRA General Manager Peter Anthony Abaya, hiniling nito kay Calixto na kumuha ng legal na opinion sa Department of Justice (DOJ) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagkontra ng mga miyembro ng Sangguniang PangÂlungsod sa pinasok na kontrata. ng pamahalaan ng Pasay sa pag-reclaim at pagdebelop sa 300 ektarya ng Manila Bay.
Pinaghinay-hinay din ni Abaya ang lokal na pamahalaan sa pagdadawit sa PRA sa inilabas na pahayag ng public-private partnership selection commitee.
Pinaalala rin ng PRA kay Calixto na may sinusundan na silang protocol na nangangailangan ng rekomendasyon ng NEDA Board sa lahat ng “reclamation projects†base sa panuntunan ng NEDA Infrastructure Committee.
Una nang pinanindigan ng Pasay City Council ang kanilang resolusyon na bumabawi sa kontrata sa Manila Bay.
Sinabi ni Councilor Richard Advincula na tanging ang proseso sa pagpili lamang umano ang kanilang kinukuwestiyon at hindi ang kontrata sa reklamasyon na magdadagdag sa ekonomiya ng lungsod.
- Latest