^

Police Metro

Mister, nasalpok ng bus, todas

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang mister matapos itong masalpok ng isang pampasaherong bus na minamaneho ni ‘Jose Manalo’ kapangalan ng Actor Comedian, habang ang biktima ay tumatawid sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way Brgy. San Agustin 1 Dasmariñas City Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Supt Carlos Barde, hepe ng Dasmariñas police ang biktima na si Gabriel Alongon Jr., 29, nakatira sa #495 Brgy. San Agustin 1 ng nasabing lunsod.

Kusang loob namang sumuko sa Indang Police Station ang driver ng bus na nakilalang si Jose Manalo,  53, residente ng Brgy 6, Amadeo Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO3 Nicolas Rosero, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-2:10 ng madaling araw sa Aguinaldo Hi-way, Dasmariñas City.

Tumatawid umano ang biktima sa nasabing Hi-way ng hindi ito mapansin ng pampasaherong Lorna Express bus na may plakang NYM-205 minamaneho ni Manalo.

Sa bilis ng takbo ay nasalpok ang biktima at tumilapon ito na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

ACTOR COMEDIAN

AGUINALDO HI

AMADEO CAVITE

BRGY

CITY CAVITE

DASMARI

GABRIEL ALONGON JR.

JOSE MANALO

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with