Faith healer na hindi nakapagpagaling,tinodas

MANILA, Philippines - Binistay ng bala at pinagsasaksak ang isang faith healer ng dalawang hindi pa kilalang lalaki habang ito ay naglalaro ng bilyar kamakalawa ng gabi sa Brgy.Sicpao, Sominot, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa katawan at saksak na kinilalang si Gregorio Gungob, 38-anyos, may-asawa, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas- 9:00 ng gabi ay kasalukuyang naglalaro ng bilyar ang biktima at ang kaibigan nitong si Jemuel Cataga nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na nakamaskara at agad na pinagbabaril.

Nang bumulagta ang biktima ay nilapitan pa ito at pinagsasaksak ng ilang beses upang matiyak na hindi na mabubuhay pa ito.

Malaki ang  hinala ng  pamilya ni Gungob na kaanak ng  pasyenteng nabigong mapagaling ng biktima ang nasa likod ng krimen.

 

Show comments