^

Police Metro

P4.15 kada kwh... Taas-singil ng Meralco aprub na

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aprub na ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtataas sa singil ng kuryente base sa rekomendasyon ng Manila Electric Corporation.

Ito ang inihayag kahapon ng Energy Regu­latory Commission (ERC) at sa isinaga­wang public consultation ay nagbigay ng tatlong opsyon ang Meralco sa ERC para sa “staggered basis” na komputasyon ng pagtataas base na rin sa kahi­lingan ng iba’t ibang sector upang hindi mabigla sa pagbabayad ang mga consumer.

Sa isinagawang maikling hearing sa panukala ng Meralco ay pinili ng mga opisyales ng ERC ang “Option 3”ng Meralco na kung saan ay magpapatupad ng P2.41 kWh pagtataas ngayong buwan ng Disyembre, wala sa Enero, P1.21 kada kWh sa Pebrero at P.53 sa buwan ng Marso para mabuo ang P4.15 hike.  Ang naturang datos ay epektibo sa mga “household consumers”.

Ayon sa Meralco na hindi naman nila kaila­ngan na konsultahin pa ang ERC para sa kanilang pagtataas ngunit isinagawa pa rin nila ito upang ipakita sa publiko ang “transpa­rency” sa isasagawa nilang electric bill hike.

Makapaglalabas na ngayong Martes o sa susunod na mga araw ng electric bill ang Meralco upang mabayaran na ng mga consumers.

Nagsagawa naman ng kilos-protesta sa tapat ng Pacific Centre Building sa Ortigas Avenue kung saan nag-oopisina ang ERC ang grupong Buklurang Mangagawang Pilipino dahil sa hindi umano makatarungan ang natu­rang mala­king pagtataas sa singil sa kuryente.

Samantala, para mapigilan ang napaka­laking pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ay inihayag ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman House Committee on Energy ang paggamit ng Malampaya funds.

Masyado na anya, malaki ang P4.15 kada kilowatt hour na pagtaas sa singil sa kuryente su­balit, hindi naman direktang masagot ng kongresista kung magkakaroon ng paglabag sa batas dahil ang Malampaya funds ay para lamang sa mga proyekto sa pagpapalakas ng enerhiya.

BUKLURANG MANGAGAWANG PILIPINO

ENERGY REGU

HOUSE COMMITTEE

MALAMPAYA

MANILA ELECTRIC CORPORATION

MERALCO

ORIENTAL MINDORO REP

ORTIGAS AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with