^

Police Metro

NBI volunteer tigok, 4 sugatan sa drug raid

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang vo­lunteer ng National Bureau of Investigation (NBI) habang 4 ang nasugatan  sa isang drug raid operation sa bahay ng pinaniniwalaang drug lord, sa Tala, Caloocan City, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Larry Sultan, NBI civi­lian agent, habang nasugatan ang 4 kasama na pawang mga volunteer dahil sa tinamong bala sa katawan.

Batay sa ulat, magsisilbi lamang ng search warrant ang may 40 NBI operatives para arestuhin ang isang Aslani Ramuros Makadatu alyas “Niknik”, na residente ng no. 188 o kilala bilang “Base 12” Tala, Caloocan City.

Bitbit umano ang search warrant sa Manila Regional Trail Court (RTC) nang salakayin ang nasabing bahay bandang alas 5:30 ng umaga nang masorpresa na lamang nang paulanan sila ng bala na nagmula sa iba’t ibang panig, na pinaniniwalaang nakapuwesto na bago pa sila dumating.

Ilang araw umano isi­nagawa ang surveillance bago pa ang pagsalakay, subalit may posibleng nagbigay ng ‘tip’ o impormasyon sa sindikato ng suspek kaya’t ‘nasunog’ ang operasyon at napaghandaan ng mga armadong kasabwat ng suspek.

Pinagdadampot o inim­bitahan ang may 20 kalalakihan upang isalang sa imbestigasyon sa hinalang may kinalaman sa putukan.

Bigo naman ang NBI na madakip ang pakay na si Makadatu.

Nasamsam ng NBI ang 3 (M-16 ) baby armalite, 2 Ingram, shotgun at iba’t ibang uri ng bala.

ASLANI RAMUROS MAKADATU

BATAY

BIGO

BITBIT

CALOOCAN CITY

ILANG

LARRY SULTAN

MANILA REGIONAL TRAIL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with