Humalay at pumatay sa 15-anyos napatay ng jail warden

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ng jail warden ang isang akusado sa rape at pagpatay sa 15-anyos na dalagita sa bayan ng Masinloc, Zambales makaraan itong mang-agaw ng baril sa loob ng Zambales Provincial Jail sa Iba,Zambales.

Kinilala ang suspek na si Romulo Bulatao, Jr., 34, residente ng Sitio Paniclan, Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales.

Batay sa ulat,nasa administration section ang suspek habang iniimbestigahan ni Deputy Jail Warden, retired Senior Supt. Enecito Ubales hinggil sa kaso nitong rape at pagpatay nang umano’y magwala ito.

Sinikap ng mga iba pang jail guard na papa­yapain ang biktima, subalit hindi ito maawat hanggangmangagaw umano ng baril kayat na baril ng jail warden.

Ang suspek ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan at ideneklara ng patay makalipas ang ilang oras na gamutan sa President Ramon Magsaysay Hospital.

 

Show comments