^

Police Metro

13 turistang Korean nalason sa pagkain

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labintatlong turis­tang Korean national ang dinala sa ospital matapos na malason sa kinain nila sa hotel o restoran sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi nang magkakasunod na mag­reklamo ng pana­nakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae ang siyam na lalaki at apat na babaeng Koreana na nanunuluyan sa Traders Hotel sa may Vito Cruz street, Pasay City.  

Nabatid na dumating ang mga dayuhan noong nakaraang Martes mula sa Seoul, South  Korea at Miyerkules ng gabi nang dalhin ng kanilang tourist guide na si Joung Sujing, 43, at tourist photographer na si Bernard Garcia sa Huey Ying Chinese Restaurant sa Seaside Macapagal Avenue at nagsikain ng mga sea foods matapos na magtungo sa isang golf course sa Cavite.

Huwebes ng umaga nang mag-almusal ang mga biktima sa tinutuluyang hotel at makaraan lamang ang ilang oras ay nagsimula ng tumindi ang pananakit ng kanilang tiyan na sinundan na ng pagtatae at pagsusuka.

Magsasagawa ng pag­­­susuri ang City Health Office sa Huey Ying Chinses Restaurant at maging sa Tra­ders Hotel upang matiyak kung alin sa mga ito ang naghain ng pagkain na nakalason sa mga tu­rista.

BERNARD GARCIA

CITY HEALTH OFFICE

HUEY YING CHINESE RESTAURANT

HUEY YING CHINSES RESTAURANT

JOUNG SUJING

PASAY CITY

SEASIDE MACAPAGAL AVENUE

SHY

TRADERS HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with