MANILA, Philippines -Patuloy ang pag-apaw ng ‘mass grave’ sa Tacloban City at kinakapos na rin ng mga matitinong kabaong para sa libong bangkay sa mga narekober na biktima ng bagyong Yolanda sa lungsod.
Sinabi ni Sr. Supt. Pablito Cordeta, Task Force Cadaver CommanÂder, 151 pang karagdagang mga bangkay ang kanilang narekober sa patuloy na paggalugad sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Kaya’t umaabot na sa kabuuang 5,032 ang naitalang biktima ng super bagyong Yolanda na tumama sa Visayas Region partikular na sa Leyte at Samar noong Nobyembre 8.
Gayunman, dahilan may ‘freeze order’ o moraÂtorium na tatlong araw sa pagbibilang ng mga bangkay ay nasa 3,982 pa lamang ang opisyal na tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing bilang, ay nasa 1,1056 ang mga bangkay na nakuha sa Tacloban City sa patuloy na clearing operation sa lungsod.
Nabatid na ang 151 pang karagdagang bangkay ay narekober sa tabing dagat ng Brgy. Magallanes, Pampango at Sagkahan.
Ayon sa opisyal dahilan hindi na halos magkasya ang mga bangkay sa inilaang mass grave sa Sitio Basler sa Brgy. Diit ng lungsod kaya magÂhuhukay muli ng panibago para dito ilagay ang mga natagpuang mga pinaghahanap na labi.
Napaulat rin ang kakapusan ng mga ataul ng mga pamilya na nais bigyan ng maraÂngal na libing ang kanilang mahal sa buhay na nasawi kaya’t nagtutulong-tulong ang mga volunteers mula sa iba’t-ibang mga ahensya na gumawa ng ‘makeshift coffin’ para matugunan ang kakapusan ng kabagong para mailibing kaagad ang mga bangkay na positibo ng kinilala ng kanilang mga pamilya.
Namamayani na rin sa lungsod ang “fish scare†kasunod ng pagbubukas ng public market na halos dalawang linggo na nagsara matapos ang pamiminsala ng super bagyong Yolanda.
Tanging ang mga karne, gulay at prutas ang mabenta at halos walang bumibili ng mga isda kaya dismayado ang mga tindera sa palengke sa kabila ng paniniguro na hindi galing sa Tacloban City ang mga ibinebenta nilang isda at iba pang lamang dagat.
Ang mga naitalang bangkay sa lungsod ay narekober ng Philippine Coast Guard sa dagat matapos na magsilutang pero dahilan nakapokus sa relief operations ay marami pang mga bangkay ang nasa dagat.