^

Police Metro

Hari ng Saudi nagbigay ng $10-M sa ‘Yolanda’ victims

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ang Hari ng Saudi Arabia sa mga Pinoy ng US$10 milyon tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), iniutos ni Saudi King Abdullah bin Abdul Aziz, Custodian ng Two Holy Mosques, ang pagpapalabas ng $10 milyong dolyares na donasyon para sa relief at rehabilitasyong isinasagawa ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa report ni Ambassador Ezzedin Tago ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, nakatanggap siya ng tawag mula sa Saudi Minister of Finance at ipinagbibigay-alam ang naturang donasyon at tinanong na rin ang pro­seso kung paano maipapasa ang naturang financial aid sa PH go­vernment.

Agad namang nagpa­salamat si Tago sa kabutihang loob at pagiging likas na matulungin ng Hari ng Saudi para sa biktima ng bagyo.

 

ABDUL AZIZ

AMBASSADOR EZZEDIN TAGO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HARI

SAUDI ARABIA

SAUDI KING ABDULLAH

SAUDI MINISTER OF FINANCE

TWO HOLY MOSQUES

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with