Lasing na nagwala, dinedo
MANILA, Philippines - Nagwala ang isang lasing kaya ito pinatay sa saksak ng isang galit na residente sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Marquito Onsing, 47, pedicab driver at residente ng Chesa St. sa lungsod.
Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang makita ng isang “Aling Tess†ang nakahandusay na biktima sa panulukan ng Chesa St. at Road 10 Tondo.
Bago nakitang wala ng buhay si Onsing ay nagwawala umano ito at pinagbabato ang bawat bahay na madaanan dahil sa kanyang kalasingan kaya hinihinalang isang galit na residente sa lugar ang sumaksak sa bikitma.
Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imÂbestigasyon ang pulisya para mabatid kung sino talaga ang pumaslang sa biktima upang maaresto ito at masampahan ng demanda.
- Latest